Lucas 9

Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Kayo ang magpakain sa kanila.” Sumagot sila, “Limang tinapay at dalawang isda lang po ang mayroon tayo. Hindi ito kakasya, maliban na lang kung bibili kami ng pagkain para sa kanila.”

Luke 9:13 (UKJV) But he said unto them, Give all of you them to eat. And they said, We have no more but five loaves and two fishes; except we should go and buy food for all this people.

11pero nalaman pa rin ng mga tao kung saan sila pumunta at sinundan sila. Pagdating nila doon, tinanggap naman sila ni Hesus at nangaral siya sa kanila tungkol sa kaharian ng Diyos, at pinagaling din niya ang mga may sakit.

12Nang magdapit-hapon na, lumapit sa kanya ang labindalawang alagad at sinabi, “Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa kanayunan at kabukiran na malapit para humanap ng matutuluyan at makakain, dahil nasa ilang na lugar po tayo.”

13Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Kayo ang magpakain sa kanila.” Sumagot sila, “Limang tinapay at dalawang isda lang po ang mayroon tayo. Hindi ito kakasya, maliban na lang kung bibili kami ng pagkain para sa kanila.”

14(May limang libong lalaki ang naroon.) Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Paupuin ninyo sila nang grupo-grupo na tig-limampu bawat grupo.”

15At pinaupo nga nila ang lahat.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.