9Sinabi ni Herodes, “Pinapugutan ko ng ulo si Juan. Ngunit sino kaya itong nababalitaan ko? Marami akong narinig na kahanga-hangang bagay tungkol sa kanya.” Kaya sinikap ni Herodes na makita si Hesus.
10Pagbalik ng mga apostol, ikinuwento nila kay Hesus ang lahat ng ginawa nila. Pagkatapos, isinama sila ni Hesus sa bayan ng Betsaida; wala na siyang isinamang iba
11pero nalaman pa rin ng mga tao kung saan sila pumunta at sinundan sila. Pagdating nila doon, tinanggap naman sila ni Hesus at nangaral siya sa kanila tungkol sa kaharian ng Diyos, at pinagaling din niya ang mga may sakit.
12Nang magdapit-hapon na, lumapit sa kanya ang labindalawang alagad at sinabi, “Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa kanayunan at kabukiran na malapit para humanap ng matutuluyan at makakain, dahil nasa ilang na lugar po tayo.”
13Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Kayo ang magpakain sa kanila.” Sumagot sila, “Limang tinapay at dalawang isda lang po ang mayroon tayo. Hindi ito kakasya, maliban na lang kung bibili kami ng pagkain para sa kanila.”