Lucas 9

Sumagot sila, “May mga nagsasabing kayo raw po si Juan na Tagapagbautismo. May nagsasabi ring kayo si Elias. At ang iba namaʼy nagsasabing isa po kayo sa mga propeta noong unang panahon, na muling nabuhay.”

Luke 9:19 (UKJV) They answering said, John the Baptist; but some say, Elijah; and others say, that one of the old prophets has risen again.

17Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, inipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng labindalawang basket.

18Isang araw, nanalanging mag-isa si Hesus nang di-kalayuan sa mga alagad niya. Tinanong niya sila, “Sino raw ako ayon sa mga tao?”

19Sumagot sila, “May mga nagsasabing kayo raw po si Juan na Tagapagbautismo. May nagsasabi ring kayo si Elias. At ang iba namaʼy nagsasabing isa po kayo sa mga propeta noong unang panahon, na muling nabuhay.”

20Tinanong sila ni Hesus, “Ngunit para sa inyo, sino ako?” Sumagot si Pedro, “Kayo po ang Mesias na isinugo ng Diyos!”

21Mahigpit na sinabihan ni Hesus ang mga alagad niya na huwag ipaalam kahit kanino na siya ang Kristo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.