41Sumagot si Hesus, “Kayong henerasyon ng mga walang pananampalataya at baluktot ang pag-iisip! Hanggang kailan ba ako magtitiis sa inyo? Dalhin mo rito ang anak mo.”
42Nang papalapit na ang bata, itinumba siya at pinangisay ng demonyo. Ngunit pinalayas ni Hesus ang masamang espiritu at pinagaling ang bata, at ibinalik sa ama nito.
43Namangha ang lahat sa kapangyarihan ng Diyos. Habang mangha pa ang lahat sa mga ginawa ni Hesus, sinabi niya sa mga alagad niya,
44“Pakinggan ninyo at tandaan ang sasabihin kong ito: Ang Anak ng Tao ay ibibigay sa kamay ng kanyang mga kaaway.”
45Ngunit hindi nila naunawaan ang sinasabi niya, dahil inilihim sa kanila ang kahulugan nito. Nag-aalangan naman silang magtanong sa kanya tungkol sa bagay na ito.