Lucas 9

Ngunit hindi nila naunawaan ang sinasabi niya, dahil inilihim sa kanila ang kahulugan nito. Nag-aalangan naman silang magtanong sa kanya tungkol sa bagay na ito.

Luke 9:45 (UKJV) But they understood not this saying, and it was hid from them, that they perceived it not: and they feared to ask him of that saying.

43Namangha ang lahat sa kapangyarihan ng Diyos. Habang mangha pa ang lahat sa mga ginawa ni Hesus, sinabi niya sa mga alagad niya,

44“Pakinggan ninyo at tandaan ang sasabihin kong ito: Ang Anak ng Tao ay ibibigay sa kamay ng kanyang mga kaaway.”

45Ngunit hindi nila naunawaan ang sinasabi niya, dahil inilihim sa kanila ang kahulugan nito. Nag-aalangan naman silang magtanong sa kanya tungkol sa bagay na ito.

46Minsan, nagtalo-talo ang mga alagad ni Hesus kung sino sa kanila ang pinakadakila.

47Alam ni Hesus ang nasa isip nila, kaya kumuha siya ng isang maliit na bata at pinatayo sa tabi niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.