50Ngunit sinabi sa kanya ni Hesus, “Huwag nʼyo siyang pagbawalan, dahil ang hindi laban sa atin ay kakampi natin.”
51Nang malapit na ang araw para bumalik si Hesus sa langit, nagpasya siyang pumunta sa Jerusalem.
52Kaya pinauna niya ang ilang tao sa isang nayon ng mga Samaritano upang humanap ng matutuluyan.
53Ngunit ayaw siyang tanggapin ng mga tagaroon dahil alam nilang papunta siya sa Jerusalem.
54Nang malaman iyon ng mga alagad ni Hesus na sina Santiago at Juan, sinabi nila kay Hesus, “Panginoon, gusto nʼyo po bang humingi kami ng apoy mula sa langit para sunugin sila?”