Lucas 9

Ngunit sinabi sa kanya ni Hesus, “Ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipangaral ang tungkol sa kaharian ng Diyos.”

Luke 9:60 (UKJV) Jesus said unto him, Let the dead bury their dead: but go you and preach the kingdom of God.

58Ngunit sinagot siya ni Hesus, “May mga lungga ang mga asong-gubat, at may mga pugad ang mga ibon, ngunit ang Anak ng Tao ay walang sariling tahanan na mapagpapahingahan.”

59Sinabi ni Hesus sa isa, “Sumunod ka sa akin.” Ngunit sumagot siya, “Panginoon, pauwiin po muna ninyo ako upang maipalibing ko ang aking ama.”

60Ngunit sinabi sa kanya ni Hesus, “Ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipangaral ang tungkol sa kaharian ng Diyos.”

61May isa ring nagsabi kay Hesus, “Susunod po ako sa inyo, Panginoon, pero hayaan nʼyo muna po akong magpaalam sa pamilya ko.”

62Sinabi ni Hesus sa kanya, “Ang nagsimulang mag-araro ngunit lingon naman nang lingon ay hindi kapaki-pakinabang sa kaharian ng Diyos.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.