60Ngunit sinabi sa kanya ni Hesus, “Ipaubaya mo sa mga patay ang paglilibing ng kanilang patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipangaral ang tungkol sa kaharian ng Diyos.”
61May isa ring nagsabi kay Hesus, “Susunod po ako sa inyo, Panginoon, pero hayaan nʼyo muna po akong magpaalam sa pamilya ko.”
62Sinabi ni Hesus sa kanya, “Ang nagsimulang mag-araro ngunit lingon naman nang lingon ay hindi kapaki-pakinabang sa kaharian ng Diyos.”