Marcos 1

Ito ang ipinapahayag niya, “May isang darating na kasunod ko na mas makapangyarihan kaysa sa akin. Kahit ang yumuko para magkalag ng tali ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat.

Mark 1:7 (UKJV) And preached, saying, There comes one mightier than I after me, the latchet of whose shoes I am not worthy to stoop down and unloose.

5Pinupuntahan siya ng maraming tao mula sa Jerusalem at sa buong lalawigan ng Judea. Ipinagtatapat nila ang kanilang mga kasalanan at silaʼy binabautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan.

6Ang damit ni Juan ay gawa sa balahibo ng kamelyo at ang sinturon niyaʼy gawa sa balat ng hayop. Ang kinakain niya ay balang at pulot-pukyutan.

7Ito ang ipinapahayag niya, “May isang darating na kasunod ko na mas makapangyarihan kaysa sa akin. Kahit ang yumuko para magkalag ng tali ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat.

8Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu.”

9Sa panahong iyon, dumating si Hesus mula sa Nazaret na sakop ng Galilea at nagpabautismo kay Juan sa Ilog Jordan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.