Marcos 1

Sa panahong iyon, dumating si Hesus mula sa Nazaret na sakop ng Galilea at nagpabautismo kay Juan sa Ilog Jordan.

Mark 1:9 (UKJV) And it came to pass in those days, that Jesus came from Nazareth of Galilee, and was baptized of John in Jordan.

7Ito ang ipinapahayag niya, “May isang darating na kasunod ko na mas makapangyarihan kaysa sa akin. Kahit ang yumuko para magkalag ng tali ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat.

8Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu.”

9Sa panahong iyon, dumating si Hesus mula sa Nazaret na sakop ng Galilea at nagpabautismo kay Juan sa Ilog Jordan.

10Pagkaahon ni Hesus sa tubig, nakita niyang bumukas ang langit at bumaba sa kanya ang Espiritu tulad sa isang kalapati.

11At may boses na narinig mula sa langit na nagsabi, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.