Marcos 1

At may boses na narinig mula sa langit na nagsabi, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”

Mark 1:11 (UKJV) And there came a voice from heaven, saying, You are my beloved Son, in whom I am well pleased.

9Sa panahong iyon, dumating si Hesus mula sa Nazaret na sakop ng Galilea at nagpabautismo kay Juan sa Ilog Jordan.

10Pagkaahon ni Hesus sa tubig, nakita niyang bumukas ang langit at bumaba sa kanya ang Espiritu tulad sa isang kalapati.

11At may boses na narinig mula sa langit na nagsabi, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”

12At noon din ay pinapunta siya ng Espiritu sa ilang.

13Nanatili siya roon nang apatnapung araw at sa loob ng apatnapung araw na iyon, tinukso siya ni Satanas. May kasama siyang mababangis na hayop doon, at pinaglingkuran siya ng mga anghel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.