Marcos 1

Pagkaahon ni Hesus sa tubig, nakita niyang bumukas ang langit at bumaba sa kanya ang Espiritu tulad sa isang kalapati.

Mark 1:10 (UKJV) And immediately coming up out of the water, he saw the heavens opened, and the Spirit like a dove descending upon him:

8Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu.”

9Sa panahong iyon, dumating si Hesus mula sa Nazaret na sakop ng Galilea at nagpabautismo kay Juan sa Ilog Jordan.

10Pagkaahon ni Hesus sa tubig, nakita niyang bumukas ang langit at bumaba sa kanya ang Espiritu tulad sa isang kalapati.

11At may boses na narinig mula sa langit na nagsabi, “Ikaw ang minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan.”

12At noon din ay pinapunta siya ng Espiritu sa ilang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.