Marcos 10

Mas madali pang makapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos.”

Mark 10:25 (UKJV) It is easier for a camel to go through the eye of a needle, than for a rich man to enter into the kingdom of God.

23Tumingin si Hesus sa paligid at sinabi sa mga alagad niya, “Napakahirap para sa mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos.”

24Nagtaka sila sa sinabi ni Hesus, kaya sinabi niyang muli, “Mga anak, napakahirap talagang makapasok sa kaharian ng Diyos.

25Mas madali pang makapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos.”

26Lalong nagtaka ang mga alagad niya, kaya nagtanong sila, “Kung ganoon po, sino na lang ang maliligtas?”

27Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, “Imposible ito sa tao ngunit hindi sa Diyos, sapagkat ang lahat ay posible sa Diyos.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.