Marcos 10

Lalong nagtaka ang mga alagad niya, kaya nagtanong sila, “Kung ganoon po, sino na lang ang maliligtas?”

Mark 10:26 (UKJV) And they were astonished out of measure, saying among themselves, Who then can be saved?

24Nagtaka sila sa sinabi ni Hesus, kaya sinabi niyang muli, “Mga anak, napakahirap talagang makapasok sa kaharian ng Diyos.

25Mas madali pang makapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa makapasok ang isang mayaman sa kaharian ng Diyos.”

26Lalong nagtaka ang mga alagad niya, kaya nagtanong sila, “Kung ganoon po, sino na lang ang maliligtas?”

27Tiningnan sila ni Hesus at sinabi, “Imposible ito sa tao ngunit hindi sa Diyos, sapagkat ang lahat ay posible sa Diyos.”

28Sinabi sa kanya ni Pedro, “Paano naman po kami? Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa inyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.