Marcos 10

Lumapit kay Hesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo at nagsabi, “Guro, may hihilingin po sana kami sa inyo.”

Mark 10:35 (UKJV) And James and John, the sons of Zebedee, come unto him, saying, Master, we would that you should do for us whatsoever we shall desire.

33“Makinig kayo! Papunta na tayo sa Jerusalem, at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan. Hahatulan nila siya ng kamatayan at ibibigay sa mga Hentil.

34Iinsultuhin nila siya, duduraan, hahagupitin at papatayin. Ngunit muli siyang mabubuhay pagkalipas ng tatlong araw.”

35Lumapit kay Hesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo at nagsabi, “Guro, may hihilingin po sana kami sa inyo.”

36“Ano ang kahilingan ninyo?” tanong ni Hesus.

37Sumagot sila, “Sana po, kapag naghahari na kayo ay paupuin nʼyo kami sa inyong tabi; isa sa kanan at isa sa kaliwa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.