35Lumapit kay Hesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo at nagsabi, “Guro, may hihilingin po sana kami sa inyo.”
36“Ano ang kahilingan ninyo?” tanong ni Hesus.
37Sumagot sila, “Sana po, kapag naghahari na kayo ay paupuin nʼyo kami sa inyong tabi; isa sa kanan at isa sa kaliwa.”
38Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Kaya ba ninyong inumin ang nasa kopang iinuman ko? Makakaya ba ninyong mabautismuhan sa bautismong daranasin ko?”
39Sumagot sila, “Opo, kaya namin.” Sinabi ni Hesus, “Iinom nga kayo sa kopang iinuman ko, at babautismuhan kayo sa bautismong tatanggapin ko.