Marcos 10

Sumagot sila, “Opo, kaya namin.” Sinabi ni Hesus, “Iinom nga kayo sa kopang iinuman ko, at babautismuhan kayo sa bautismong tatanggapin ko.

Mark 10:39 (UKJV) And they said unto him, We can. And Jesus said unto them, All of you shall indeed drink of the cup that I drink of; and with the baptism that I am baptized likewise shall all of you be baptized:

37Sumagot sila, “Sana po, kapag naghahari na kayo ay paupuin nʼyo kami sa inyong tabi; isa sa kanan at isa sa kaliwa.”

38Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Kaya ba ninyong inumin ang nasa kopang iinuman ko? Makakaya ba ninyong mabautismuhan sa bautismong daranasin ko?”

39Sumagot sila, “Opo, kaya namin.” Sinabi ni Hesus, “Iinom nga kayo sa kopang iinuman ko, at babautismuhan kayo sa bautismong tatanggapin ko.

40Ngunit hindi ako ang pumipili kung sino ang uupo sa kanan o kaliwa ko. Ang mga itoʼy para sa mga taong pinaglaanan nito.”

41Nang malaman ng sampung alagad kung ano ang hiningi nina Santiago at Juan, nagalit sila sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.