6Ngunit sa simula pa, nang likhain ng Diyos ang mundo, ‘ginawa niya ang tao na lalaki at babae.’
7‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina, at magsasama sila ng kanyang asawa.
8At silang dalawa ay magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi isa na lang.
9Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos.”
10Pagbalik nila sa bahay, tinanong siya ng kanyang mga alagad tungkol dito.