Marcos 11

Naalala ni Pedro ang nangyari. Kaya sinabi niya, “Rabbi, tingnan nʼyo po ang puno ng igos na isinumpa ninyo. Natuyo na!”

Mark 11:21 (UKJV) And Peter calling to remembrance says unto him, Master, behold, the fig tree which you cursed is withered away.

19Kinagabihan, umalis si Hesus sa Jerusalem kasama ang mga alagad niya.

20Kinaumagahan, nang pabalik na silang muli sa Jerusalem, nadaanan nila ang puno ng igos at nakita nilang tuyong-tuyo na ito hanggang sa ugat.

21Naalala ni Pedro ang nangyari. Kaya sinabi niya, “Rabbi, tingnan nʼyo po ang puno ng igos na isinumpa ninyo. Natuyo na!”

22Sinabi ni Hesus sa kanila, “Sumampalataya kayo sa Diyos!

23Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo, maaari ninyong sabihin sa bundok na ito, ‘Lumipat ka sa dagat!’ At kung hindi kayo nag-aalinlangan, at sa halip ay nananampalataya na mangyayari iyon, mangyayari nga ang sinabi ninyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.