29Sinagot sila ni Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. At kapag sinagot ninyo, sasabihin ko kung ano ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.
30Kanino galing ang awtoridad ni Juan para magbautismo, sa langit o sa tao? Sagutin ninyo ako!”
31Nag-usap-usap sila, “Kung sasabihin nating mula sa Diyos, sasabihin niya, ‘Bakit hindi kayo naniwala kay Juan?’
32Ngunit alangan namang sabihin nating mula sa tao?” (Takot sila sa gagawin ng mga tao dahil naniniwala ang mga tao na si Juan ay propeta ng Diyos.)
33Kaya sumagot sila, “Hindi namin alam.” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Kung ganoon, hindi ko rin sasabihin sa inyo kung saan nagmula ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.”