Marcos 11

Sinagot sila ni Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. At kapag sinagot ninyo, sasabihin ko kung ano ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.

Mark 11:29 (UKJV) And Jesus answered and said unto them, I will also ask of you one question, and answer me, and I will tell you by what authority I do these things.

27Pagdating nila sa Jerusalem, bumalik si Hesus sa Templo. At habang naglalakad siya roon, lumapit sa kanya ang mga namamahalang pari, mga tagapagturo ng Kautusan, at mga pinuno ng mga Hudyo.

28Tinanong nila si Hesus, “Ano ang awtoridad mo na gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng awtoridad na iyan?”

29Sinagot sila ni Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. At kapag sinagot ninyo, sasabihin ko kung ano ang awtoridad ko na gumawa ng mga bagay na ito.

30Kanino galing ang awtoridad ni Juan para magbautismo, sa langit o sa tao? Sagutin ninyo ako!”

31Nag-usap-usap sila, “Kung sasabihin nating mula sa Diyos, sasabihin niya, ‘Bakit hindi kayo naniwala kay Juan?’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.