Marcos 12

Magbabayad po ba kami ng buwis?” Ngunit alam ni Hesus na nagkukunwari lamang sila, kaya sinabi niya, “Bakit ninyo ako sinusubukang hulihin sa tanong na iyan? Magdala nga kayo rito ng pera at titingnan ko.”

Mark 12:15 (UKJV) Shall we give, or shall we not give? But he, knowing their hypocrisy, said unto them, Why tempt all of you me? bring me a penny, that I may see it.

13Hindi nagtagal, nagsugo sila ng ilang Pariseo at mga alagad ni Herodes upang hulihin si Hesus sa kanyang mga sinasabi.

14Kaya lumapit sila kay Hesus at nagtanong, “Guro, alam po naming totoo ang mga sinasabi ninyo, at wala kayong kinikilingan. Sapagkat hindi kayo tumitingin sa katayuan ng tao, sa halip ay itinuturo ninyo ang katotohanan tungkol sa kalooban ng Diyos. Sabihin nʼyo po, nararapat bang magbayad ng buwis sa Emperador ng Roma o hindi?

15Magbabayad po ba kami ng buwis?” Ngunit alam ni Hesus na nagkukunwari lamang sila, kaya sinabi niya, “Bakit ninyo ako sinusubukang hulihin sa tanong na iyan? Magdala nga kayo rito ng pera at titingnan ko.”

16Dinalhan nga nila ng pera si Hesus. Nagtanong siya, “Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit sa perang ito?” Sumagot sila, “Sa Emperador.”

17Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Ibigay ninyo sa Emperador ang sa Emperador, at sa Diyos ang sa Diyos.” Namangha sila sa kanyang sagot.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.