Marcos 12

Kaya lumapit sila kay Hesus at nagtanong, “Guro, alam po naming totoo ang mga sinasabi ninyo, at wala kayong kinikilingan. Sapagkat hindi kayo tumitingin sa katayuan ng tao, sa halip ay itinuturo ninyo ang katotohanan tungkol sa kalooban ng Diyos. Sabihin nʼyo po, nararapat bang magbayad ng buwis sa Emperador ng Roma o hindi?

Mark 12:14 (UKJV) And when they were come, they say unto him, Master, we know that you are true, and care for no man: for you regard not the person of men, but teach the way of God in truth: Is it lawful to give tribute to Caesar, or not?

12Kaya ang mga punong pari, mga tagapagturo ng Kautusan, at ang mga pinuno ng mga Hudyo ay humanap ng paraan upang maipadakip si Hesus dahil alam nilang sila ang pinatatamaan niya sa talinghagang iyon. Ngunit natakot sila sa mga tao, kaya pinabayaan nila si Hesus, at umalis na lamang.

13Hindi nagtagal, nagsugo sila ng ilang Pariseo at mga alagad ni Herodes upang hulihin si Hesus sa kanyang mga sinasabi.

14Kaya lumapit sila kay Hesus at nagtanong, “Guro, alam po naming totoo ang mga sinasabi ninyo, at wala kayong kinikilingan. Sapagkat hindi kayo tumitingin sa katayuan ng tao, sa halip ay itinuturo ninyo ang katotohanan tungkol sa kalooban ng Diyos. Sabihin nʼyo po, nararapat bang magbayad ng buwis sa Emperador ng Roma o hindi?

15Magbabayad po ba kami ng buwis?” Ngunit alam ni Hesus na nagkukunwari lamang sila, kaya sinabi niya, “Bakit ninyo ako sinusubukang hulihin sa tanong na iyan? Magdala nga kayo rito ng pera at titingnan ko.”

16Dinalhan nga nila ng pera si Hesus. Nagtanong siya, “Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit sa perang ito?” Sumagot sila, “Sa Emperador.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.