Marcos 12

May mga Saduceo na lumapit kay Hesus at nagtanong. Sila ang mga paring Hudyo na hindi naniniwala sa muling pagkabuhay.

Mark 12:18 (UKJV) Then come unto him the Sadducees, which say there is no resurrection; and they asked him, saying,

16Dinalhan nga nila ng pera si Hesus. Nagtanong siya, “Kaninong mukha at pangalan ang nakaukit sa perang ito?” Sumagot sila, “Sa Emperador.”

17Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Ibigay ninyo sa Emperador ang sa Emperador, at sa Diyos ang sa Diyos.” Namangha sila sa kanyang sagot.

18May mga Saduceo na lumapit kay Hesus at nagtanong. Sila ang mga paring Hudyo na hindi naniniwala sa muling pagkabuhay.

19Sinabi nila, “Guro, ayon po sa isinulat ni Moises, kapag ang isang lalaki ay namatay na walang anak sa kanyang asawa, dapat ay pakasalan ng kapatid niyang lalaki ang naiwan nitong asawa, upang magkaanak sila para sa kanya.

20Ngayon, may pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.