Marcos 12

Sinabi nila, “Guro, ayon po sa isinulat ni Moises, kapag ang isang lalaki ay namatay na walang anak sa kanyang asawa, dapat ay pakasalan ng kapatid niyang lalaki ang naiwan nitong asawa, upang magkaanak sila para sa kanya.

Mark 12:19 (UKJV) Master, Moses wrote unto us, If a man's brother die, and leave his wife behind him, and leave no children, that his brother should take his wife, and raise up seed unto his brother.

17Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Ibigay ninyo sa Emperador ang sa Emperador, at sa Diyos ang sa Diyos.” Namangha sila sa kanyang sagot.

18May mga Saduceo na lumapit kay Hesus at nagtanong. Sila ang mga paring Hudyo na hindi naniniwala sa muling pagkabuhay.

19Sinabi nila, “Guro, ayon po sa isinulat ni Moises, kapag ang isang lalaki ay namatay na walang anak sa kanyang asawa, dapat ay pakasalan ng kapatid niyang lalaki ang naiwan nitong asawa, upang magkaanak sila para sa kanya.

20Ngayon, may pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak.

21Kaya ang biyuda ay napangasawa ng ikalawang kapatid. Ngunit namatay din ito nang wala silang anak. Ganoon din ang nangyari sa ikatlo

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.