Marcos 12

Kaya ang biyuda ay napangasawa ng ikalawang kapatid. Ngunit namatay din ito nang wala silang anak. Ganoon din ang nangyari sa ikatlo

Mark 12:21 (UKJV) And the second took her, and died, neither left he any seed: and the third likewise.

19Sinabi nila, “Guro, ayon po sa isinulat ni Moises, kapag ang isang lalaki ay namatay na walang anak sa kanyang asawa, dapat ay pakasalan ng kapatid niyang lalaki ang naiwan nitong asawa, upang magkaanak sila para sa kanya.

20Ngayon, may pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak.

21Kaya ang biyuda ay napangasawa ng ikalawang kapatid. Ngunit namatay din ito nang wala silang anak. Ganoon din ang nangyari sa ikatlo

22hanggang sa ikapitong kapatid. Namatay silang lahat nang walang anak sa babae. At sa huli, namatay din ang babae.

23Ngayon, sa araw ng muling pagkabuhay ng mga patay, sino po sa pito ang magiging asawa ng babaeng iyon dahil naging asawa niya silang lahat?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.