Marcos 12

Ngayon, sa araw ng muling pagkabuhay ng mga patay, sino po sa pito ang magiging asawa ng babaeng iyon dahil naging asawa niya silang lahat?”

Mark 12:23 (UKJV) In the resurrection therefore, when they shall rise, whose wife shall she be of them? for the seven had her to wife.

21Kaya ang biyuda ay napangasawa ng ikalawang kapatid. Ngunit namatay din ito nang wala silang anak. Ganoon din ang nangyari sa ikatlo

22hanggang sa ikapitong kapatid. Namatay silang lahat nang walang anak sa babae. At sa huli, namatay din ang babae.

23Ngayon, sa araw ng muling pagkabuhay ng mga patay, sino po sa pito ang magiging asawa ng babaeng iyon dahil naging asawa niya silang lahat?”

24Sumagot si Hesus, “Maling-mali kayo, dahil hindi ninyo nauunawaan ang Kasulatan at ang kapangyarihan ng Diyos.

25Sa muling pagkabuhay ng mga patay ay wala nang pag-aasawa; magiging tulad sila ng mga anghel sa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.