Marcos 12

Kaya mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong isip, at nang buong lakas!’

Mark 12:30 (UKJV) And you shall love the Lord your God with all your heart, and with all your soul, and with all your mind, and with all your strength: this is the first commandment.

28May isang tagapagturo ng Kautusan doon na nakikinig ng pagtatalo nila. Napansin niyang mahusay ang sagot ni Hesus, kaya lumapit siya at nagtanong din, “Ano po ba ang pinakamahalagang utos?”

29Sumagot si Hesus, “Ito ang pinakamahalagang utos: ‘Pakinggan ninyo mga taga-Israel! Ang Panginoon lamang na ating Diyos ang tanging Panginoon.

30Kaya mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong isip, at nang buong lakas!’

31At ang pangalawa ay ito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na higit pang mahalaga kaysa sa dalawang ito.”

32Sinabi ng tagapagturo ng Kautusan, “Tama po kayo, Guro! Totoo ang sinabi ninyo na iisa lang ang Diyos at wala nang iba.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.