Marcos 12

Dinadaya nila ang mga biyuda upang makuha ang mga ari-arian ng mga ito, at pinagtatakpan nila ang mga ginagawa nila sa pamamagitan ng mahabang pagdarasal! Ang mga taong itoʼy tatanggap ng mas mabigat na parusa.”

Mark 12:40 (UKJV) Which devour widows' houses, and for a pretence make long prayers: these shall receive greater damnation.

38Sinabi pa ni Hesus sa kanyang pagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang lumibot na nakasuot ng espesyal na damit. At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar.

39Mahilig silang maupo sa mga upuang pandangal sa mga sambahan at mga handaan.

40Dinadaya nila ang mga biyuda upang makuha ang mga ari-arian ng mga ito, at pinagtatakpan nila ang mga ginagawa nila sa pamamagitan ng mahabang pagdarasal! Ang mga taong itoʼy tatanggap ng mas mabigat na parusa.”

41Umupo si Hesus malapit sa lagayan ng mga kaloob doon sa Templo at pinagmamasdan ang mga taong naghuhulog ng pera. Maraming mayayaman ang naghulog ng malalaking halaga.

42Lumapit din ang isang mahirap na biyuda at naghulog ng dalawang pirasong barya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.