Marcos 12

Sinabi pa ni Hesus sa kanyang pagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang lumibot na nakasuot ng espesyal na damit. At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar.

Mark 12:38 (UKJV) And he said unto them in his doctrine, Beware of the scribes, which love to go in long clothing, and love salutations in the marketplaces,

36Samantalang si David mismo, sa patnubay ng Banal na Espiritu ay nagsabing, ‘Wika ng Panginoon sa aking Panginoon, “Umupo ka rito sa aking kanan hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban!” ’

37Ngayon, kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano siyang naging lahi lang ni David?” Ang mga tao ay giliw na giliw sa pakikinig kay Hesus.

38Sinabi pa ni Hesus sa kanyang pagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang lumibot na nakasuot ng espesyal na damit. At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar.

39Mahilig silang maupo sa mga upuang pandangal sa mga sambahan at mga handaan.

40Dinadaya nila ang mga biyuda upang makuha ang mga ari-arian ng mga ito, at pinagtatakpan nila ang mga ginagawa nila sa pamamagitan ng mahabang pagdarasal! Ang mga taong itoʼy tatanggap ng mas mabigat na parusa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.