Marcos 12

Samantalang si David mismo, sa patnubay ng Banal na Espiritu ay nagsabing, ‘Wika ng Panginoon sa aking Panginoon, “Umupo ka rito sa aking kanan hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban!” ’

Mark 12:36 (UKJV) For David himself said by the Holy Spirit, The LORD said to my Lord, Sit you on my right hand, till I make yours enemies your footstool.

34Nang marinig ni Hesus na may katuturan ang mga sagot nito, sinabi niya rito, “Hindi ka nalalayo sa kaharian ng Diyos.” Mula nooʼy wala nang nangahas na magtanong kay Hesus.

35Nang minsang nangangaral si Hesus sa Templo, tinanong niya ang mga tao, “Bakit sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na ang Mesias ay anak ni David?

36Samantalang si David mismo, sa patnubay ng Banal na Espiritu ay nagsabing, ‘Wika ng Panginoon sa aking Panginoon, “Umupo ka rito sa aking kanan hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban!” ’

37Ngayon, kung tinawag siya ni David na Panginoon, paano siyang naging lahi lang ni David?” Ang mga tao ay giliw na giliw sa pakikinig kay Hesus.

38Sinabi pa ni Hesus sa kanyang pagtuturo, “Mag-ingat kayo sa mga tagapagturo ng Kautusan. Mahilig silang lumibot na nakasuot ng espesyal na damit. At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.