32Sinabi ng tagapagturo ng Kautusan, “Tama po kayo, Guro! Totoo ang sinabi ninyo na iisa lang ang Diyos at wala nang iba.
33At kailangang mahalin siya nang buong puso, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas. At kailangan ding mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Higit na mahalaga ito kaysa sa lahat ng uri ng handog na sinusunog at iba pang mga handog.”
34Nang marinig ni Hesus na may katuturan ang mga sagot nito, sinabi niya rito, “Hindi ka nalalayo sa kaharian ng Diyos.” Mula nooʼy wala nang nangahas na magtanong kay Hesus.
35Nang minsang nangangaral si Hesus sa Templo, tinanong niya ang mga tao, “Bakit sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na ang Mesias ay anak ni David?
36Samantalang si David mismo, sa patnubay ng Banal na Espiritu ay nagsabing, ‘Wika ng Panginoon sa aking Panginoon, “Umupo ka rito sa aking kanan hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban!” ’