Marcos 12

“Sa bandang huli, wala na siyang ibang maisugo kundi ang kanyang pinakamamahal na anak. Isinugo nga niya ang kanyang anak dahil inisip niyang igagalang nila.

Mark 12:6 (UKJV) Having yet therefore one son, his beloved, he sent him also last unto them, saying, They will reverence my son.

4Muling nagsugo ng isa pang alipin ang may-ari, ngunit hinampas ito sa ulo at inalipusta.

5Muling nagsugo ang may-ari ng isa pang alipin, ngunit pinatay nila ito. Marami pang isinugo ang may-ari, ngunit ang ibaʼy binugbog at ang iba namaʼy pinatay.

6“Sa bandang huli, wala na siyang ibang maisugo kundi ang kanyang pinakamamahal na anak. Isinugo nga niya ang kanyang anak dahil inisip niyang igagalang nila.

7“Ngunit nang makita ito ng mga magsasaka, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya upang mapasaatin na ang lupaing mamanahin niya.’

8Kaya sinunggaban nila ang anak ng may-ari, pinatay at itinapon sa labas ng ubasan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.