Marcos 12

“Ngunit nang makita ito ng mga magsasaka, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya upang mapasaatin na ang lupaing mamanahin niya.’

Mark 12:7 (UKJV) But those husbandmen said among themselves, This is the heir; come, let us kill him, and the inheritance shall be our's.

5Muling nagsugo ang may-ari ng isa pang alipin, ngunit pinatay nila ito. Marami pang isinugo ang may-ari, ngunit ang ibaʼy binugbog at ang iba namaʼy pinatay.

6“Sa bandang huli, wala na siyang ibang maisugo kundi ang kanyang pinakamamahal na anak. Isinugo nga niya ang kanyang anak dahil inisip niyang igagalang nila.

7“Ngunit nang makita ito ng mga magsasaka, sinabi nila, ‘Narito na ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya upang mapasaatin na ang lupaing mamanahin niya.’

8Kaya sinunggaban nila ang anak ng may-ari, pinatay at itinapon sa labas ng ubasan.

9“Ano kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Tiyak na pupuntahan niya ang mga magsasaka at papatayin. Pagkatapos, pauupahan niya sa iba ang kanyang ubasan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.