Marcos 13

“Darating ang araw na makikita ninyo ‘ang kasuklam-suklam na bagay na magiging dahilan ng pag-iwan sa Templo’, habang itoʼy nakatayo sa lugar na hindi nito dapat kalagyan. (Dapat itong unawain ng mambabasa.) Kapag nangyari ito, ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan.

Mark 13:14 (UKJV) But when all of you shall see the abomination of desolation, spoken of by Daniel the prophet, standing where it ought not, (let him that reads understand,) then let them that be in Judaea flee to the mountains:

12“May mga taong magkakanulo sa kanilang mga kapatid upang ipapatay, at ganoon din ang mga ama sa kanilang mga anak. Kakalabanin naman ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay.

13Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas.

14“Darating ang araw na makikita ninyo ‘ang kasuklam-suklam na bagay na magiging dahilan ng pag-iwan sa Templo’, habang itoʼy nakatayo sa lugar na hindi nito dapat kalagyan. (Dapat itong unawain ng mambabasa.) Kapag nangyari ito, ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan.

15Ang nasa labas ng bahay ay huwag nang pumasok para kumuha ng anuman.

16Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi para kumuha ng damit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.