Marcos 13

Ang nasa labas ng bahay ay huwag nang pumasok para kumuha ng anuman.

Mark 13:15 (UKJV) And let him that is on the housetop not go down into the house, neither enter therein, to take any thing out of his house:

13Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas.

14“Darating ang araw na makikita ninyo ‘ang kasuklam-suklam na bagay na magiging dahilan ng pag-iwan sa Templo’, habang itoʼy nakatayo sa lugar na hindi nito dapat kalagyan. (Dapat itong unawain ng mambabasa.) Kapag nangyari ito, ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan.

15Ang nasa labas ng bahay ay huwag nang pumasok para kumuha ng anuman.

16Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi para kumuha ng damit.

17Kaawa-awa ang mga buntis at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.