15Ang nasa labas ng bahay ay huwag nang pumasok para kumuha ng anuman.
16Ang nasa bukid ay huwag nang umuwi para kumuha ng damit.
17Kaawa-awa ang mga buntis at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon!
18Idalangin ninyong huwag itong mangyari sa panahon ng taglamig.
19Sapagkat sa panahong iyon, makakaranas ang mga tao ng mga paghihirap na hindi pa nararanasan mula nang likhain ng Diyos ang mundo hanggang ngayon, at wala nang mangyayari pang ganoon kahit kailan.