Marcos 13

Sinabi ni Hesus sa kanya, “Nakikita nʼyo ba ang mga gusaling ʼyan? Darating ang araw na magigiba ang lahat ng ʼyan, at walang maiiwang bato na magkapatong.”

Mark 13:2 (UKJV) And Jesus answering said unto him, See you these great buildings? there shall not be left one stone upon another, that shall not be thrown down.

1Nang paalis na sina Hesus sa Templo, sinabi ng isa sa mga alagad niya, “Guro, tingnan po ninyo ang napakagandang mga gusali. At ang pader, malalaking mga bato ang ginamit napakaganda ng pagkakagawa.”

2Sinabi ni Hesus sa kanya, “Nakikita nʼyo ba ang mga gusaling ʼyan? Darating ang araw na magigiba ang lahat ng ʼyan, at walang maiiwang bato na magkapatong.”

3Habang nakaupo si Hesus sa Bundok ng mga Olibo, sa may tapat ng Templo, tinanong siya nang palihim nina Pedro, Santiago, Juan at Andres,

4“Sabihin ninyo sa amin, kailan mangyayari ang sinabi ninyo? At ano ang mga palatandaan na malapit nang mangyari ang lahat ng ito?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.