Marcos 13

“Sabihin ninyo sa amin, kailan mangyayari ang sinabi ninyo? At ano ang mga palatandaan na malapit nang mangyari ang lahat ng ito?”

Mark 13:4 (UKJV) Tell us, when shall these things be? and what shall be the sign when all these things shall be fulfilled?

2Sinabi ni Hesus sa kanya, “Nakikita nʼyo ba ang mga gusaling ʼyan? Darating ang araw na magigiba ang lahat ng ʼyan, at walang maiiwang bato na magkapatong.”

3Habang nakaupo si Hesus sa Bundok ng mga Olibo, sa may tapat ng Templo, tinanong siya nang palihim nina Pedro, Santiago, Juan at Andres,

4“Sabihin ninyo sa amin, kailan mangyayari ang sinabi ninyo? At ano ang mga palatandaan na malapit nang mangyari ang lahat ng ito?”

5Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Mag-ingat kayo at huwag palinlang kaninuman.

6Marami ang darating sa aking pangalan na magsasabing, ‘Ako ang Mesias’, at marami ang ililigaw nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.