Marcos 13

Marami ang darating sa aking pangalan na magsasabing, ‘Ako ang Mesias’, at marami ang ililigaw nila.

Mark 13:6 (UKJV) For many shall come in my name, saying, I am Christ; and shall deceive many.

4“Sabihin ninyo sa amin, kailan mangyayari ang sinabi ninyo? At ano ang mga palatandaan na malapit nang mangyari ang lahat ng ito?”

5Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Mag-ingat kayo at huwag palinlang kaninuman.

6Marami ang darating sa aking pangalan na magsasabing, ‘Ako ang Mesias’, at marami ang ililigaw nila.

7Kapag nakabalita kayo ng mga digmaan o usap-usapan tungkol sa digmaan, huwag kayong matakot. Kinakailangang mangyari ang mga iyan, ngunit hindi pa ito ang katapusan.

8Sapagkat magdidigmaan ang mga bansa at mga kaharian. Lilindol sa ibaʼt ibang lugar at magkakaroon ng taggutom. Ang mga itoʼy pasimula pa lang ng mga paghihirap na darating.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.