5Kaya sinabi ni Hesus sa kanila, “Mag-ingat kayo at huwag palinlang kaninuman.
6Marami ang darating sa aking pangalan na magsasabing, ‘Ako ang Mesias’, at marami ang ililigaw nila.
7Kapag nakabalita kayo ng mga digmaan o usap-usapan tungkol sa digmaan, huwag kayong matakot. Kinakailangang mangyari ang mga iyan, ngunit hindi pa ito ang katapusan.
8Sapagkat magdidigmaan ang mga bansa at mga kaharian. Lilindol sa ibaʼt ibang lugar at magkakaroon ng taggutom. Ang mga itoʼy pasimula pa lang ng mga paghihirap na darating.
9“Mag-ingat kayo dahil dadakpin kayo at dadalhin sa hukuman, at hahagupitin kayo sa sinagoga. Iimbestigahan kayo sa harap ng mga gobernador at mga hari dahil sa pagsunod ninyo sa akin. Magiging pagkakataon ninyo ito upang magpatotoo sa kanila tungkol sa akin.