Marcos 14

Dumating ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ang araw na pinapatay ang tupang hinahandog bilang pag-alaala sa Paglampas ng Anghel. Kaya tinanong si Hesus ng mga alagad niya, “Saan nʼyo po kami gustong maghanda ng hapunan para sa Pista ng Paglampas ng Anghel?”

Mark 14:12 (UKJV) And the first day of unleavened bread, when they killed the passover, his disciples said unto him, Where will you that we go and prepare that you may eat the passover?

10Si Judas Iscariote na isa sa labindalawang alagad ay pumunta sa mga namamahalang pari upang ipagkanulo si Hesus.

11Natuwa sila nang malaman nila ang pakay ni Judas, at nangako silang bibigyan siya ng pera. Kaya mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataong maipagkanulo si Hesus.

12Dumating ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ang araw na pinapatay ang tupang hinahandog bilang pag-alaala sa Paglampas ng Anghel. Kaya tinanong si Hesus ng mga alagad niya, “Saan nʼyo po kami gustong maghanda ng hapunan para sa Pista ng Paglampas ng Anghel?”

13Inutusan niya ang dalawa sa mga alagad niya, “Pumunta kayo sa lungsod. Doon, may makakasalubong kayong isang lalaki na may pasan-pasang banga ng tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na papasukan niya,

14at sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Ipinapatanong po ng Guro kung saan ang kuwartong kakainan niya ng hapunan kasama ang mga alagad niya upang ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.