Marcos 14

Natuwa sila nang malaman nila ang pakay ni Judas, at nangako silang bibigyan siya ng pera. Kaya mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataong maipagkanulo si Hesus.

Mark 14:11 (UKJV) And when they heard it, they were glad, and promised to give him money. And he sought how he might conveniently betray him.

9Sinasabi ko sa inyo ang totoo, saan mang sulok ng mundo ipangaral ang Magandang Balita, ipapahayag din ang ginawa niyang ito sa akin bilang pag-alaala sa kanya.”

10Si Judas Iscariote na isa sa labindalawang alagad ay pumunta sa mga namamahalang pari upang ipagkanulo si Hesus.

11Natuwa sila nang malaman nila ang pakay ni Judas, at nangako silang bibigyan siya ng pera. Kaya mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataong maipagkanulo si Hesus.

12Dumating ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa, ang araw na pinapatay ang tupang hinahandog bilang pag-alaala sa Paglampas ng Anghel. Kaya tinanong si Hesus ng mga alagad niya, “Saan nʼyo po kami gustong maghanda ng hapunan para sa Pista ng Paglampas ng Anghel?”

13Inutusan niya ang dalawa sa mga alagad niya, “Pumunta kayo sa lungsod. Doon, may makakasalubong kayong isang lalaki na may pasan-pasang banga ng tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na papasukan niya,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.