Marcos 14

Sinasabi ko sa inyo ang totoo, saan mang sulok ng mundo ipangaral ang Magandang Balita, ipapahayag din ang ginawa niyang ito sa akin bilang pag-alaala sa kanya.”

Mark 14:9 (UKJV) Verily I say unto you, Where ever this gospel shall be preached throughout the whole world, this also that she has done shall be spoken of for a memorial of her.

7Ang mga mahihirap ay palagi ninyong makakasama at maaari kayong tumulong sa kanila kahit anong oras, pero ako ay hindi nʼyo laging makakasama.

8Ginawa ng babaeng ito ang makakaya niya para sa akin. Binuhusan niya ng pabango ang katawan ko bilang paghahanda sa aking libing.

9Sinasabi ko sa inyo ang totoo, saan mang sulok ng mundo ipangaral ang Magandang Balita, ipapahayag din ang ginawa niyang ito sa akin bilang pag-alaala sa kanya.”

10Si Judas Iscariote na isa sa labindalawang alagad ay pumunta sa mga namamahalang pari upang ipagkanulo si Hesus.

11Natuwa sila nang malaman nila ang pakay ni Judas, at nangako silang bibigyan siya ng pera. Kaya mula noon, humanap na si Judas ng pagkakataong maipagkanulo si Hesus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.