Marcos 14

Pumunta nga sa lungsod ang dalawa niyang alagad at nakita nila ang lahat ayon sa sinabi niya sa kanila. At doon sila naghanda ng hapunan para sa Pista.

Mark 14:16 (UKJV) And his disciples went forth, and came into the city, and found as he had said unto them: and they made ready the passover.

14at sabihin ninyo sa may-ari ng bahay, ‘Ipinapatanong po ng Guro kung saan ang kuwartong kakainan niya ng hapunan kasama ang mga alagad niya upang ipagdiwang ang Pista ng Paglampas ng Anghel.’

15Ituturo niya sa inyo ang isang malaking kuwarto sa itaas, kumpleto na ng kagamitan at nakahanda na. Doon kayo maghanda ng hapunan natin.”

16Pumunta nga sa lungsod ang dalawa niyang alagad at nakita nila ang lahat ayon sa sinabi niya sa kanila. At doon sila naghanda ng hapunan para sa Pista.

17Kinagabihan, dumating si Hesus at ang labindalawang alagad.

18Habang kumakain sila sa mesa, sinabi ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ipagkakanulo ako ng isa sa inyo na kasalo ko sa pagkain.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.