Marcos 14

Habang kumakain sila sa mesa, sinabi ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ipagkakanulo ako ng isa sa inyo na kasalo ko sa pagkain.”

Mark 14:18 (UKJV) And as they sat and did eat, Jesus said, Verily I say unto you, One of you which eats with me shall betray me.

16Pumunta nga sa lungsod ang dalawa niyang alagad at nakita nila ang lahat ayon sa sinabi niya sa kanila. At doon sila naghanda ng hapunan para sa Pista.

17Kinagabihan, dumating si Hesus at ang labindalawang alagad.

18Habang kumakain sila sa mesa, sinabi ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ipagkakanulo ako ng isa sa inyo na kasalo ko sa pagkain.”

19Nalungkot sila nang marinig ito, at isa-isa silang nagtanong sa kanya, “Hindi ako iyon, di po ba?”

20Sinabi ni Hesus sa kanila, “Isa siya sa inyong labindalawa. Siya ang kasama kong nagsasawsaw ng tinapay sa mangkok.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.