Marcos 14

Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw na iinom ako ng bagong inumin sa kaharian ng Diyos.”

Mark 14:25 (UKJV) Verily I say unto you, I will drink no more of the fruit of the vine, until that day that I drink it new in the kingdom of God.

23Pagkatapos, kumuha siya ng isang kopang may inumin, nagpasalamat sa Diyos, at ibinigay sa kanila. At uminom silang lahat mula sa kopang iyon.

24Sinabi niya sa kanila, “Ito ang aking dugo na ibubuhos para sa maraming tao. Ito ang katibayan ng bagong kasunduan ng Diyos sa mga tao.

25Sinasabi ko sa inyo ang totoo, hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw na iinom ako ng bagong inumin sa kaharian ng Diyos.”

26Umawit sila ng papuri sa Diyos at pagkatapos ay pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo.

27Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, “Iiwan ninyo akong lahat, dahil sinabi ng Diyos sa Kasulatan: ‘Papatayin ko ang pastol at magsisipangalat ang mga tupa.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.