Marcos 14

Nagsasalita pa si Hesus nang biglang dumating si Judas na isa sa labindalawang alagad. Marami siyang kasama at may mga dala silang espada at pamalo. Isinugo sila ng mga namamahalang pari, mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga pinuno ng mga Hudyo.

Mark 14:43 (UKJV) And immediately, while he yet spoke, comes Judas, one of the twelve, and with him a great multitude with swords and staves, from the chief priests and the scribes and the elders.

41Sa ikatlong pagbalik ni Hesus, sinabi niya sa kanila, “Natutulog pa rin ba kayo at nagpapahinga? Tama na iyan! Dumating na ang oras na Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa kamay ng mga makasalanan.

42Tayo na! Narito na ang nagkanulo sa akin.”

43Nagsasalita pa si Hesus nang biglang dumating si Judas na isa sa labindalawang alagad. Marami siyang kasama at may mga dala silang espada at pamalo. Isinugo sila ng mga namamahalang pari, mga tagapagturo ng Kautusan at ng mga pinuno ng mga Hudyo.

44Ganito ang palatandaan na ibinigay ng traydor na si Judas sa mga huhuli kay Hesus: “Ang babatiin ko sa pamamagitan ng isang halik ang siyang pakay ninyo. Dakpin ninyo siya at dalhin, at bantayang mabuti.”

45Kaya nang dumating si Judas, agad siyang lumapit kay Hesus at bumati, “Rabbi!” sabay halik sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.