Marcos 14

May isang binata roon na sumunod kay Hesus na nakabalabal lang ng telang lino. Dinakip din siya ng mga sundalo,

Mark 14:51 (UKJV) And there followed him a certain young man, having a linen cloth cast about his naked body; and the young men laid hold on him:

49Araw-araw ay nasa Templo ako at nagtuturo, at naroon din kayo. Bakit hindi ninyo ako dinakip? Ngunit kailangang mangyari ito upang matupad ang sinasabi ng Kasulatan.”

50Iniwan siya noon din ng mga alagad niya at nagsitakas sila.

51May isang binata roon na sumunod kay Hesus na nakabalabal lang ng telang lino. Dinakip din siya ng mga sundalo,

52ngunit nakawala siya at tumakas na hubad at naiwan ang kanyang balabal.

53Dinala nila si Hesus sa bahay ng punong pari. Nagtipon doon ang lahat ng namamahalang pari, mga pinuno ng mga Hudyo at ang mga tagapagturo ng Kautusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.