Marcos 14

Ngunit nanatiling walang imik si Hesus at hindi sumagot. Kaya tinanong siyang muli ng punong pari, “Ikaw ba ang Mesias, ang Anak ng Kapuri-puring Diyos?”

Mark 14:61 (UKJV) But he held his peace, and answered nothing. Again the high priest asked him, and said unto him, Are you the Christ, the Son of the Blessed?

59Ngunit hindi rin magkakatugma ang sinasabi nila.

60Tumayo sa gitna ang punong pari at tinanong si Hesus, “Wala ka bang maisasagot sa mga paratang na ito laban sa iyo?”

61Ngunit nanatiling walang imik si Hesus at hindi sumagot. Kaya tinanong siyang muli ng punong pari, “Ikaw ba ang Mesias, ang Anak ng Kapuri-puring Diyos?”

62Sumagot si Hesus, “Ako nga siya, at makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo sa kanan ng makapangyarihang Diyos. At makikita rin ninyo siya sa mga ulap na paparating dito sa mundo.”

63Nang marinig ito ng punong pari, pinunit niya ang kanyang damit sa galit at sinabi, “Hindi na natin kailangan ng mga saksi!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.